P.1M kargamento hinaydyak

BULACAN ,Philippines  – Tinatayang aabot sa P.1 milyong kargamento ang iniulat na hinaydyak ng mga armadong kalalakihan na sinasabing nagpakilalang pulis sa Barangay Iba sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang harangin ng apat na kalalakihang sakay ng kotseng itim ang delivery van ( XBT-172) na may lulang 85-sako ng bigas patungo sa Maynila.

Kaagad na iginapos ang drayber ng van na si Romeo Lopez ng Malabon City at ang dalawa nitong pahinante.

Pagsapit sa Brgy. Sto Cristo, San Jose Del Monte City ay inabandona si Lopez at dalawa nitong pahinante saka tinangay ang kargamento.

Show comments