Umatras sa inuman binoga

QUEZON ,Philippines  – Malubhang nasugatan ang isang 18-anyos na lalaki na sinasabing umatras sa inuman matapos barilin ng isa sa tatlong nakainuman nito sa Barangay Ibabang Panaon sa bayan ng Unisan, Quezon kamakalawa ng gabi. Unang dinala sa Unisan District Hospital si Joseph Tolentino subalit dahil sa maselang kalagayan ay inilipat sa Quezon Medical Center. Arestado naman ang isa sa mga suspek na Abel Estrada, 27, habang tugis naman sina Russel Estrada at Bernabe Ta­nada.

Ayon kay PO2 Aldrin Romualdo, dakong alas-11:45 ng gabi ay nakikipag-inuman ang biktima sa mga suspek at nang malasing ay umayaw na ito upang umuwi. Lingid sa kaalaman ng biktima ay sinundan siya ng mga suspek at binaril saka nagpulasan subalit nadakip ang isa sa kanila.

Show comments