Negosyante nilikida

BATAAN, Philippines – Napaslang ang isang 48-anyos na negosyanteng kapatid ng dalawang municipal councilor makaraang pagbabarilin ng mga armdong kalalakihan sa harapan ng Trinidad Bakery sa Barangay Mabini sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng umaga. Pitong bala ng baril ang tumapos sa biktimang si Dennis Soriano y Austria, kapatid nina Councilor Arnold Soriano at ex-Con. Noli Soriano ng Barangay New San Jose. Sa ulat ni PO2 Joel Dula, nasa loob ng kanyang kotse ang biktima na may 40 metro lamang ang layo sa pag-aaring videogame shop nang lapitan at ratratin. Gayon pa man, sa follow-up operation ng pulisya nasabat ang isa sa suspek na si Adrian Sta. Maria ng Alua San Isidro, Nueva Ecija na lulan ng kotse (UTH-944) sa bahagi ng Barangay Gulangco, Guagua, Pampanga.

Show comments