2 suspek sa holdap, dakma

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki matapos maaresto ng pulisya sa kasong panghoholdap sa babaeng kawani ng shopping mall sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodelio Eusebio, 30, ng Brgy. Concepcion at Dante Dusa, 31, ng Barangay Tarcan. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., hinoldap ng mga suspek ang kawani na si Rosalie Paguia, 21, ng Brgy. King Kabayo habang ito ay naghihintay ng sasakyan sa Barangay Pagala sa nasabing bayan. Gayon pa man, naipagbigay-alam ng biktima ang insidente sa pulisya. Nasabat ang mga sus­pek na lulan ng motorsiklo (RK5671) sa inilatag na checkpoint sa Barangay Bagong Nayon.

Show comments