^

Probinsiya

Landfill sa Obando mapanganib

- Nila Boy Cruz at Dino Balabo -

BULACAN ,Philippines  — Hiniling kahapon ng mga residente sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan na kanselahin ang napipintong pagpapagawa ng 44-ektaryang sanitary landfill sa ba­yan ng Obando, Bulacan na katabi lamang ng mga kabahayan.

Binigyang-diin ng mga residente, na tinawag ang kanilang samahan na Concerned Citizens of Obando, na dadalhin nila ang laban hanggang Malacañang kung kinakailangan kapag  hindi pinansin ng mga lokal na opisyal.

Ayon sa nasabing grupo na ang kalusugan ng kanilang pamilya ang malalagay sa panganib sakaling matuloy ang sanitary landfill na sinasabing hindi muna sila kinunsulta ng mga kinauukulan sa nasabing proyekto.

Hinamon ng CCO ang konseho ng Obando na magbigay ng detalyadong paliwanag kung bakit pinayagan ang landfill kahit na ang gagawa nito, ay ang kilalang korporasyon na sinasabing wala pang nagagawang proyekto na kahalintulad nito.

“Inaprubahan ng konseho ang landfill base lamang sa nilalaman ng proposal ng nabanggit na kompanya kung saan malinaw nitong nilabag ang ilang probisyon sa Ecological Solid Waste Management Act,” pahayag pa ng grupo.

AYON

BINIGYANG

BULACAN

CONCERNED CITIZENS OF OBANDO

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

HINAMON

HINILING

INAPRUBAHAN

MALACA

OBANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with