^

Probinsiya

Meat inspector tinaga sa palengke

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  —Dahilan sa pagkumpiska ng mga panindang baboy ng mag-amang vendor, pinagtataga ang isang meat inspector sa naganap na karahasan sa loob ng palengke ng Brgy. San Roque, Virac, Catanduanes kahapon ng umaga.

Isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas ang biktimang si Andy II Po, 31, may asawa, market supervisor ng Virac Public Market at residente ng Barangay Palnab del Norte ng naturang bayan.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang mag-amang suspek na kinilalang sina Manuel Tablizo at Marco Antonio Tablizo, negosyante at pawang mga residente ng Barangay Gogon, Centro Virac.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-9:40  ng uma­ga habang ang biktima ay nagpapatupad ng Executive Order no. 1-2011 in relation sa RA. 9262 na ipinapatupad ng National Meat Inspection Code sa mga magtitinda ng mga karne sa naturang palengke. 

Nang tangkain naman ng biktima na kumpiskahin ang panindang karne ng mag-ama ay tinaga ito sa kamay habang naaresto naman ang mga suspek ng mga nagrespondeng awtoridad.

BARANGAY GOGON

BARANGAY PALNAB

CENTRO VIRAC

EXECUTIVE ORDER

LEGAZPI CITY

MANUEL TABLIZO

MARCO ANTONIO TABLIZO

NATIONAL MEAT INSPECTION CODE

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with