Obrero binoga

PITOGO, QUEZON ,Philippines — Pinagtanungan muna saka binistay ng bala hanggang sa mamatay ang isang obrero ng dalawang hindi nakikilalang lalaki sa Brgy. Amontay ng bayang ito, kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 sa mukha at katawan ang biktimang si Silverio Flores alyas Berong, 43, may-asawa at residente ng Brgy. Poctol habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek. Ayon kay PO2 Herson Manegdeg, dakong alas-6:45 ng umaga habang gumagawa ng silyang kahoy sa Boyet Furniture Shop ang biktima ng tawagin ito ng dalawang hindi nakikilalang lalaki at nagtanong kung saan makikita si Berong. Nang sumagot umano ang biktima na siya si Berong ay bumunot ang isa sa suspek ng cal. 45 at binaril ito saka mabilis na tumakas.

Show comments