^

Probinsiya

Extortionist dedo

- Ni Boy Cruz -

PLARIDEL,Bulacan, Philippines  — Patay ang isang hinihinalang extortionist na nambibiktima ng mga negosyanteng Bombay matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng tanggapan ni Bulacan Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez Jr. kinilala ang muntik ng mabiktima ng extortion na si Jerry Singh 28, Indian national, negosyante, at residente ng St. Agatha Homes, Brgy.Tikay, Malolos City. Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.

Bandang alas-9:15 ng umaga ng magsuplong sa pulisya si Singh bitbit ang kalatas na idinikit ng suspek sa kaniyang sasakyan na humihingi ng P100,000.00 at kung hindi ay may masamang mangyayari sa negosyante.

Agad namang nagsaga­wa ng entrapment operation ang mga awtoridad pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek na nagresulta sa pagkakapatay nito at nakuha mula rito ang isang cal. 38 revolver, isang cellphone at motorsiklong Yamaha.

vuukle comment

BANDANG

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL DIRECTOR P

FERNANDO MENDEZ JR.

JERRY SINGH

MALOLOS CITY

PATAY

PATULOY

ST. AGATHA HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with