2 bangkay na pugot ang ulo natagpuan

Manila, Philippines - Nagulantang ang mga residente matapos na ma­tagpuan ang dalawang bangkay ng lalaki na kap­wa walang ulo sa isang bakanteng lote kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Rizal PNP, Director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, nadiskubre ang bangkay bandang alas-6 ng umaga sa Sitio Harangan, Brgy. Macabud ng nasabing bayan.

Nabatid na ilang residente sa lugar ang naka­kita sa bangkay ng dalawa, ilang metro lamang ang layo sa  bawat isa na nakasilid sa itim na garbage bag.

Ayon sa pulisya ang dalawa ay biktima ng summary execution o salvages na posibleng pinaslang sa ibang lugar at itinapon lamang sa Rodriguez, Rizal upang ilihis ang imbestigasyon.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigas­yon ang pulisya para mabatid kung sino ang mga biktima at patuloy pang hinahanap ang kanilang mga nawawalang ulo.

Show comments