AFP vs. NPA 1 sugatan

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines — Isang miyembro ng CAFGU ang malubhang nasugatan sa magkasunod na engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng 2nd IB ng Phil. Army at mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) sa Sitio Pinarik, Barangay Lumacao, Guinobatan at Sitio Sabang, Barangay Maonon, Ligao City.

Na­kilala ang sugatan na si Ronnie Patiam, CAFGU at nakatalaga sa Barangay Marigondon sa Ligao City. Unang nagsagupa ang military at rebelde sa Barangay Lumacao sa Guinobatan, Albay at sumunod namang engkuwentro ay sa Barangay Maonon sa Ligao City kung saan ay na­sugatan ang CAFGU.

Show comments