Killer truck: 3 patay, 12 sugatan

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang 12 naman ang nasugatan makaraang araruhin ng dump truck ang tatlong sasakyan sa MacArthur highway sa panulukan ng Santos Cuyugan Avenue at Matina Sreet sa Davao City  noong Martes ng hapon.

Kabilang sa mga namatay ay sina Imee Belardo, Rene Aurellana at ang 3-anyos na si Antoine Francisco na sinasabing sakay sa taxi cab habang pasahero naman si Belardo ng pampasaherong multicab.

Krtitikal naman ang ina ni Antoine na si Glocie Francisco habang ang iba pang sugatan na naisugod sa ospital ay sina Carmia Aninon, Joname Anojado, Roel Hermoginez, Eric Ramona, Irene Tatad, Lanie Bustamante, Jennilyn Pal­mero, Ronald Brion at si Eduardo Perez.

Lumilitaw na patungong Quimpo Blvd. ang dump truck (LAP834) ni Henry Villarobiabengil ng Maa, Davao City nang mawalan ito ng preno.

Sinalpok ng truck ang mga sasakyang multicab (LWJ 712) ni Rene Aurellana, Bachelor Bus ni Eduardo Perez at ang Kia Pride Sedan taxi (LWN 608) ni Elezer Tarongoy.

Show comments