Obrero pisak sa bus

QUEZON, Philippines – Napisak ang ulo at namatay ang isang obrero matapos masaga­saan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng highway sa Barangay Camogauin sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Medardo Anheta habang naaresto naman ang driver ng bus na si Efrentino de la Peña, 53, ng Calauag, Quezon. Ayon kay PO2 Leonito Aguilar, dakong alas-5:30 ng hapon nang mahagip ng Barney Bus ang biktima.

Show comments