Obrero pisak sa bus
June 29, 2011 | 12:00am
QUEZON, Philippines – Napisak ang ulo at namatay ang isang obrero matapos masagasaan ng pampasaherong bus habang tumatawid sa kahabaan ng highway sa Barangay Camogauin sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Medardo Anheta habang naaresto naman ang driver ng bus na si Efrentino de la Peña, 53, ng Calauag, Quezon. Ayon kay PO2 Leonito Aguilar, dakong alas-5:30 ng hapon nang mahagip ng Barney Bus ang biktima.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest