MANILA, Philippines - Napakalawak ng preparasyon ng Tampakan Copper-Gold Project batay sa Environmental Impact Statement (EIS) na isinagawa ng pandaigdig na kompanyang AECOM ng United States at Hansen Bailey ng Australia na nag-ulat na nakatugon ang proyekto sa pandaigdig na tuntunin at regulasyong pangkapaligiran.
Kilala ang AECOM sa teknikal at suportang pangangasiwa sa enhinyerya, disenyo, pangkapaligiran at pagpaplano samantalang dalubhasa ang Hansen Bailey sa integrated environmental impact assessments, environmental auditing, ecological
assessments at mine water management.
Ayon kay AECOM Philippines, Inc. Associate Director Jess Bayrante, nakisangkot ang kanilang kompanya sa maraming EIS projects sa bansa.
“In our long experience of conducting environmental impact assessments in the country, the Tampakan Mine EIS is the most extensive in terms of preparation,” paliwanag ni Bayrante.
Kapag naaprubahan ang proyekto ay magiging pinakamalaking minahan ng tanso sa bansa at buong mundo.
Nilinaw ni SMI Corporate Communications Manager, John Arnaldo na nais ng SMI na pamarisan ang kompanya sa may etiko at modernong pagmimina na may pinakamahusay na praktis sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pamayanan.