^

Probinsiya

Tampakan project nakatugon sa global standard

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Napakalawak ng preparasyon ng Tampakan Copper-Gold Project batay sa Environmental Impact Statement (EIS) na isinagawa ng pandaigdig na kompanyang AECOM  ng United States at Hansen Bailey ng Australia na nag-ulat na nakatugon ang proyekto sa pandaigdig na tuntunin at regulasyong pangkapaligiran.

Kilala ang AECOM sa teknikal at suportang pa­ngangasiwa sa enhinyerya, disenyo, pangkapaligiran at pagpaplano samanta­lang dalubhasa ang Hansen Bailey sa integrated environmental impact assessments, environmental auditing, ecological

assessments at mine water management.

Ayon kay AECOM Philippines, Inc. Associate Director Jess Bayrante, nakisangkot ang kanilang kompanya sa maraming EIS projects sa bansa.

 “In our long experience of conducting environmental impact assessments in the country, the Tampakan Mine EIS is the most extensive in terms of preparation,” paliwanag ni  Bayrante.

Kapag naaprubahan ang proyekto ay magiging pinakamalaking minahan ng tanso sa bansa at buong mundo.

Nilinaw ni SMI Corporate Communications Ma­nager, John Arnaldo na nais ng  SMI na pamarisan ang kompanya sa may etiko at modernong pagmimina na may pinakamahusay na praktis sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pamayanan.

ASSOCIATE DIRECTOR JESS BAYRANTE

AYON

BAYRANTE

CORPORATE COMMUNICATIONS MA

ENVIRONMENTAL IMPACT STATEMENT

HANSEN BAILEY

JOHN ARNALDO

TAMPAKAN COPPER-GOLD PROJECT

TAMPAKAN MINE

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with