MANILA, Philippines - Binalot ng matinding tensiyon ang mga kawani ng auditing office ng Cotabato provincial satellite makaraang sumabog sa panibagong paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga.
Naitala ang pagsabog dakong alas-8:20 ng umaga sa kahabaan ng national highway sa harapan mismo ng nabanggit na opisina na may ilang metro lamang sa North Cotabato Provincial Police Office.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pagsabog kung saan narekober ang tail pin at shrapnel ng 60mm mortar, ilang bahagi ng cell phone. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.