CAMARINES NORTE ,Philippines – Napaslang ang isang 42-anyos na negosyante makaraang barilin ng mga ’di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa Barangay Plaridel sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Roumelia Festin matapos barilin habang pumapasok sa gate ng kanyang tahanan.
Tinangay ang handbag ng biktima na naglalaman ilang alahas na ginto at P.4 milyon na kinita sa pag-aaring grocery. May teorya ang pulisya na sinundan ng motorcycle-riding gunmen ang biktima saka isinagawa ang krimen.