^

Probinsiya

Nagbiro sa bagong gising dinedo

- Danilo Garcia -

RIZAL ,Philippines  – Isang katiwala sa cock breeding farm na sinasabing nagbiro sa bagong gising ang iniulat na napaslang matapos saksakin ng kanyang kabaro sa Antipolo, City, Rizal kahapon ng mada­ling-araw.

Naisugod pa sa Antipolo Doctor’s Hospital subalit hindi na naisalba ang buhay ni Renato Carsel ng Pagrai Hills sa Brgy. Mayamot.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na suspek na si Rolando Lucero, 33, ng Sto. Niño Street, Pagrai Hills.

Nabatid na kapwa caretaker ng cock breeding farm na pag-aari ni Jessie Ramos sa nasabing lugar.

Naganap ang krimen dakong alas-12:10 ng ha­tinggabi sa Block 6, Lot 2, Natalla Street, Antipolo Hills sa Brgy. San Luis kung saan nag-inuman ang suspek at biktima kasama ang isa pang caretaker na si Francis Salamorin.

Napag-alamang naka­tulog na ang kanilang kainuman subalit naiwan ang dalawa na nagpatuloy pa rin hanggang sa makatulog naman si Lucero. 

Gayon pa man, gini­sing naman ng biktima ang suspek na lango na sa alak kaya napikon ito at isinagawa ang pamamaslang.

vuukle comment

ANTIPOLO DOCTOR

ANTIPOLO HILLS

BRGY

FRANCIS SALAMORIN

JESSIE RAMOS

NATALLA STREET

PAGRAI HILLS

RENATO CARSEL

ROLANDO LUCERO

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with