^

Probinsiya

Councilor tiklo sa extortion

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang municipal councilor matapos arestuhin sa kasong extortion at grave threat laban sa babaeng negosyante kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Edwin Nemenzo, hepe ng Region 4A- Criminal Investigation and Detection Group ang suspek na si Councilor Marlon Acaylar, 39, ng Pangil, Laguna.

Sa police report, na­aresto si Acaylar dahil sa reklamong inihain ng negosyanteng si Pricilla Organista ng Candelaria St. Barangay Balian sa nasabing bayan.

Sa salaysay ni Organis­ta, sinasabing humihingi si Acaylar ng P200,000 para hindi nito dukutin ang babaeng anak ng negosyante.

Dahil dito, humingi ng tulong si Organista sa pamunuan ng CIDG Laguna kaya inilatag ang entrapment operation laban sa suspek.

Naaresto si Acaylar sa bisinidad ng Sun Star Mall matapos nitong tangga­pin ang P17,500 marked money mula kay Organista bilang paunang bayad.

Kasalukuyang nakapiit si Acaylar sa Laguna CIDG office para harapin ang kasong extortion at grave threats.

ACAYLAR

CANDELARIA ST. BARANGAY BALIAN

COUNCILOR MARLON ACAYLAR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAHIL

EDWIN NEMENZO

ORGANISTA

PRICILLA ORGANISTA

SENIOR SUPT

SUN STAR MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with