^

Probinsiya

Magtiyahin minartilyo, nilagay sa freezer

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng magtiyahin matapos pagpapaluin ng martilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan saka inilagay sa freezer ng kanilang drayber sa San Pablo City, Laguna kahapon ng tanghali.  

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang magtiyahing pinaslang na sina Leticia Lupian at Vilma Bandilao, 23, tubong Bohol at nakatira sa Mariflor Subdivision, Barangay Del Remedio sa nasabing lungsod.

Lumilitaw na nakatanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya mula sa caretaker ng magtiyahin kaugnay sa hindi paglabas ng mga biktima sa bahay may apat na araw na ang nakalipas.

“Naghinala na ‘yung caretaker kasi apat na araw na hindi lumalabas ‘yung dalawa kahit naiwang nakabukas ang kanilang radio,” pahayag ng imbestigador.

Base naman sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang bangkay ng tiyahin ay nadiskubre ng Belgian national na si Antonio del Villar, 35, kaibigan ng mga biktima at naninirahan sa Brgy. Paliparan  sa bayan ng Calauan matapos bumisita sa tahanan ng mga ito.

Gayon pa man, agad na pinuntahan ng mga pulis kasama ang ilang opisyal ng barangay ang bahay ng mga biktima at pwersahang binuksan ang pinto.

Sa pag-iinspeksyon sa ilang bahagi ng tahanan ng dalawa ay natagpuan ang bangkay ng magtiyahin na nagyeyelo na ang katawan sa loob ng freezer.

Pinaghahanap naman ang driver ng mga biktima na si Ben Fajardo Corpuz na nawawala tangay ang asul na Toyota Lucida van na may plakang XGB 259.

May palatandaang pagnanakaw ang isa sa motibo ng krimen dahil nawawala ang P50,000 ng magtiyahin na posibelng tinangay ng suspek.

vuukle comment

BARANGAY DEL REMEDIO

BEN FAJARDO CORPUZ

CAMP CRAME

GILBERT CRUZ

LETICIA LUPIAN

MARIFLOR SUBDIVISION

SAN PABLO CITY

SENIOR SUPT

TOYOTA LUCIDA

VILMA BANDILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with