8 sugatan sa road mishap

KIDAPAWAN CITY  ,Philippines – Umaabot sa walong sibil­yan ang iniulat na nasu­gatan sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa tatlong barangay sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatang sina Romeo Alonzo ng Brgy. Manongol; Junie Udas ng Brgy. Indangan; Johann Yaplag ng Brgy. Kisandal; Jerome Sandiala, Roino Colinates, Joel Amos, Johnny Ramos, 18; at si Jun Rey Bolamo, 17.

Sa police report, si Alonzo na sinasabing naglalakad sa gilid ng highway nang ma-hit-and-run sa Barangay Sudapin.

Samantala, sina Udas at Yaplag na magkaangkas sa motorsiklo ay nahagip ng 'di-nabatid na uri ng sasakyan sa highway ng Barangay Lanao.

Kasunod nito, nagsalpukan naman ang traysikel na lulan sina Sandiala, Amos, Ramos, Bolamo at ang motorsiklo ni Colinates sa kahabaan ng Magsaysay Road sa Kidapawan City.

Kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang ospital ang walong sugatan.

Show comments