^

Probinsiya

6 NPA dedo sa engkuwentro

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napatay ang anim na rebeldeng New People’s Army habang 12 iba pa ang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na engkuwentro laban sa tropa ng militar sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga nasa­wing rebelde ay may mga alyas na Ka Rod, Ka Mao/Karl, Ka Bong, squad leader; Ka Lanlan (Waray) Ka Meloy/CK at Ka Noynoy.

Kinilala naman ang mga nasugatang rebelde na sina Ka Steve, Ka Rody, Ka Ledy alyas Ka Eva/Mina; Ka Venus/Vangie, alyas Ka Bebeng, Ka Mars, Ka Jing, Ka Ronnie, Ka Liway at si alyas Ka Marko.

Sa phone interview, sinabi ni Army’s 3rd Infantry Division commander Major Gen. Emmanuel Bautista, natiyempuhan ng Army’s 79th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Mark Anthony Calamba, ang grupo ng mga rebelde sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Banawe.

Tumagal ng 40-minuto ang sagupaan na kinasawi ng dalawa sa mga rebelde at lima naman ang na­sugatan.

Kasunod nito, nakasagupa naman ng reinforcement troops ni 2nd Lt. Christopher Eslava ang iba pang rebelde na ikinasawi ng apat na NPA.

Nagsiatras ang mga rebelde matapos ang 10-minutong bakbakan.

Narekober sa encounter site ang isang M16 rifles, mga backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.   

vuukle comment

CHRISTOPHER ESLAVA

EMMANUEL BAUTISTA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA BEBENG

KA BONG

KA EVA

KA JING

KA LANLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with