Misis tinarakan ni mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang misis matapos na pagsasaksakin ng kanyang sariling mister dahil sa selos sa Sitio Itonan, Brgy. Buluang, Baao, Camarines Sur. Na­kilala ang biktima na isinugod sa Dona Josefa Hospital na si Virgie Barandon, 22, may-asawa, at kasalukuyan nakatira sa Novaliches, Quezon City. Samantala ang suspek na kaagad naman na tumakas ay kinilalang si Randy Barandon, 24, may-asawa at residente ng naturang lugar. Batay sa ulat ang insidente ay naganap dakong alas-3 ng hapon habang ang mag-asawa ay nagkakaroon ng mainitang pagtatalo dahil ayaw nitong payagan ang ginang na bumalik sa trabaho sa Maynila bunga ng pagseselos sa kaniyang asawa na nauwi sa pananaksak. Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang pagtugis ng mga awtoridad laban sa suspek.

Show comments