Tensyon sa city hall patuloy

LUCENA CITY ,Philippines  — Patuloy na tumataas ang ten­­s­yon sa City Hall ng lungsod bunsod ng pagbabarikada ng mga taga-suporta ng pinatalsik na city mayor na si Barbara Ruby Talaga kahit pa nanumpa na kamaka­lawa ng hapon bilang Mayor si Roderick Alcala kay Interior and Local Government Regional Director Josefina Castilla-Go.   

Nagkabisa ang posisyon ni Alcala bilang bagong city mayor makaraang ibasura ng Comelec ang kandidatura ni Talaga noong nakaraang eleksyon dahil sa teknikalidad sa substitution sa kanyang asawang si dating Mayor Ramon Talaga Jr.

Nagkaroon ng tensyon sa city hall nang tangkaing pumasok ni Quezon Provincial Comelec Supervisor Atty. Allan Enriquez upang isilbi ang writ of execution subalit hinarang sila ng mga nagkapit-bisig na supporters ni Talaga hanggang sa ipaskil na lamang ni Enriquez sa dingding ang kautusan ng Comelec.

Nanindigan si Talaga na hindi siya aalis sa puwesto hanggat hindi nadedesisyunan ng Korte Suprema ang kanilang isinampang certiorari at Temporary Restraining Order (TRO) kahit pa nga ang kinalabasan ay dalawa na ang mayor dito.

Ayon sa mga supporters ni Talaga hindi nila papayagang mag-opisina sa loob ng city hall ang pamangkin ni DA Secretary Proceso Alcala at mag-babarikada sila hanggang sa araw ng Martes kung saan ay inaasahang didinggin ng korte suprema ang kanilang petisyon.

Show comments