Maid pinilahan ng 2 akyat-bahay

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang 23-anyos na maid matapos pilahan ng dalawa sa apat na miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa tahanan ng kaniyang amo sa bayan ng Taal, Batangas kamakalawa.

Kasalukuyang nakatulala pa ang biktimang iti­nago sa pangalang Cherry bunga ng masaklap na kapalaran.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, alas-4:40 ng madaling-araw nang looban ang tahanan ng amo ng biktima sa Arline Ville Subdivision sa Barangay Butong.

Natiyempuhang natutulog sa loob ng bahay sina Violeta Marco, 76; Esperdion Marco, 79; at mga kasambahay na sina Mary Jane Loreto, 37; at Cherry.

Dalawa sa mga kawatan ang nanlimas sa mga kagamitan, alahas at pera na umaabot sa P60,000 habang ang dalawa naman ang gumahasa kay Cherry sa loob ng silid.

Show comments