^

Probinsiya

Hacienda ni-raid ng NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang hacienda  na pag-aari ng mayamang negosyante sa Barangay Alicante sa bayan ng EB  Magalona, Negros Occidental kamakalawa. Sa ulat ng tanggapan ni Army’s 3rd Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Emmanuel Bautista, lulan ng truck ang mga rebelde nang salakayin ang Hacienda Teresa. Kasunod nito, binuhusan ng gasolina  at sinilaban ang tractora kung saan tinangay ang M16 Armalite rifle at bandolier ng security guard na si Mario Lachica. Bago tumakas, nagpaputok pa ang mga rebelde kung saan nasugatan ang timekeeper na si Kristopher Gerza na naisugod naman sa Silay Provincial Hospital. Pinaniniwalaang pagtanggi ng may-ari ng hacienda na magbigay ng buwis sa mga rebelde ang isa sa motibo ng panununog.

BARANGAY ALICANTE

COMMANDER MAJOR GEN

EMMANUEL BAUTISTA

HACIENDA TERESA

INFANTRY DIVISION

KRISTOPHER GERZA

MARIO LACHICA

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

SILAY PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with