MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pagpaslang sa broadcaster na si Dr. Gerry Ortega si dating Palawan Governor Joel Reyes.
Maliban kay dating Gov. Reyes, pinawalang-sala din sina dating Marinduque Governor Jose Antonio Carreon; Mayor Mario Reyes Jr.; Atty. Romeo Seratubias, dating Palawan administrator Arturo Regalado at Percival Lecias.
Nadismaya naman ang pamilya Ortega sa naging desisyon ng DOJ makaraang ibasura ang kaso laban sa nasabing mga opisyal.
Isinulong naman ng DOJ panel ang kasong murder laban sa mga suspect na sina Rodolfo Edrad, Jr., Armando Noel, Dennis Aranas at Arwin Arandia.
Si Dr. Ortega ay binaril at napatay noong January 24, 2011 habang bumibili ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City.