BAGUIO CITY, Philippines – Isang dayuhang estudyante ang hinoldap at pinatay ng pinaniniwalaang miyembro ng gang sa lungsod na ito kamakailan.
Ang biktima ay nakilalang si Mahiri Queroz, 22-anyos at isang Nigerian student. Nanlaban umano ang biktima sa mga holdaper kaya pinatay ito.
Sinabi ng saksing si Coroti Ogondeli, 26-anyos at kababayan ng biktima, naglalakad sila sa may Dominican Hills noong Lunes ng madaling araw nang harangin sila ng 3 kalalakihan na armado saka sila hinoldap.
Nagawang makatakbo ni Ogondeli subalit naiwan ang kanyang kaibigan na pinagtulungang saksakin ng mga holdaper.