KIDAPAWAN CITY, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong kalalakihan matapos maaresto sa kasong rape laban sa tatlong menor-de-edad na babae sa Barangay Supadin, Kidapawan City, North Cotabato noong Lunes ng Hunyo 6. Pormal na kinasuhan ni SPO4 Lolita Pacheca, in-charge sa Women and Children’s Protection Desk ng Kidapawan City PNP, ang mga suspek na sina Marlon delos Santos, 19, ng Barangay Dipolog, Malita, Davao del Sur; mag-utol na Jerusalem Inojales Santos, 26; at Christian Inojales Santos, 19, kapwa nakatira sa Toril district, Davao City at trabahador sa Ticuala Lumberyard sa Barangay Sudapin. Nadiskubre ang krimen matapos isinailalim sa medical examination ang tatlong bata na may edad 4, 5, at 6 kung saan positibong itinuro ang mga suspek na gumahasa sa kanila.