Opisyal ng LTO itinumba

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines  – Napaslang ang isang opisyal ng traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa harapan mismo ng kanilang opisina sa Santiago City, Isabela kamakalawa.

 Napuruhan sa noo, pis­ngi at leeg si Sadiri Domingo, 54, traffic team leader ng LTO-Santiago at nakatira sa bayan ng Ramon, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa gilid ng national highway sa harap ng LTO office sa Barangay Sinsayon, Santiago City nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

“We are looking into the angle of work-related as motive in the killing. But we are not discounting other possibilities like personal motive,” pahayag kahapon ni P/Senior Supt. Severino Abad.

Show comments