Manila, Philippines - Umaabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang ilang bahagi sa Villa Escudero na nataon sa piyesta ng patron sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa.
Sa ulat ng Camp Crame, dakong alas-12:50 ng tanghali nang magsimulang masunog ang bahagi ng Garden Pavillion sa resort ng Villa Escudero na pag-aari ni Don Conrado Escudero. Nabatid na abalang- abala ang mga kawani sa pag-aasikaso sa mga bisita sa pananghalian sa PAG-IBIG Hall nang mapansin ang usok na nagmumula sa bubong na anahaw sa pavilion ng resort na nation sa selebrasyon ng Feast of Ascencion.
Patuloy naman ang imbestigasyon kung saan sinasabing electrical circuit ang isa sa pinagmulan ng apoy.