Manila, Philippines - Naglaho ang pangarap ng mga magulang ng isang 17-anyos na estudyanteng babae makaraang barilin sa ulo ng di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanilang stall sa mega market sa Barangay Mother Poblacion sa Cotabato City kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Almira Milok, mag-aaral sa Notre Dame University at residente sa Nayon Shariff, Barangay Rosary Heights 3. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, Lumilitaw na abala sa pagtitinda ang biktima nang lapitan at barilin sa ulo.