35 sugatan sa bumaliktad na bus

BAGUIO CITY, Philippines  – Umaabot sa 35-katao kabilang na ang 30 estudyante ang iniulat na nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Sitio Cadanglaan, Barangay Bani sa bayan ng Bacarra, Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Lumilitaw na patungong Laoag mula sa bayan ng Pagudpud ang Mayan Bus Express (AVT 642) ni Alberto Abian nang masagi ang nagmomotorsiklong si Julius Bacud.

Ayon kay P/Senior Supt. Marlon Chan, Ilocos Norte PNP director, nawalan ng control sa manibela si Abian kaya tuluy-tuloy na bumaliktad ang bus.

Kabilang sa mga sugatan na naisugod sa ospital ay sina Nalam Soriano, Ri­zal Panteo, Rolinda Bura­yok, Tristian Fernandez, Walden Macaraeg, Danilo Guillermo, Edwin Trinidad, Rolida Acaba, Raunar Re­yes, Simon Saguilia, Jesica Tolentino, Rosita de Guzman, Gloria Martinez, Honrdyo Garalde, Edison Yag­yagen, Eliza Oddon, Lea Gas­con, Trinidad Od­don, Edmund Trinidad, Charmaine Diwad, Cyra Nuevo,  Ivy Galano, Samuel Sandio, Cresencia Amigo, Violeta Caloboso, Malencio Lopez, Walter Macaraeg, Cre­sencio Amigo, Lucrecia del Rosario, Aurora Gallano, Angela Coloma, Myrtele Acoba, Roland Samiano at si Rolly Alaba.

“Masyadong mabilis magpatakbo ng drayber ng bus kaya hindi ko naiwasan,” pahayag ni Bacud

Kapwa naman dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang drayber na sangkot sa sakuna.

Show comments