^

Probinsiya

Pulis tinodas ng kidnaper

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang bagitong pulis matapos maaktuhan ng tatlong kidnaper na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group na tinitiktikan nito kaugnay sa pinagtataguan sa Tsinoy trader sa kagubatan ng Patikul, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang napaslang na si PO1 Cesar Dammang, 42, intelligence opera­tive sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Jolo, Sulu.

Narekober ang bangkay ng biktima bandang alas-8 ng gabi matapos na magres­ponde ang mga pulis-Jolo sa bahagi ng Sitio Dan Puti sa Brgy. Liang, Patikul na itinuro ng mga re­sidente na pinagmulan ng mga putok ng baril.

Lumilitaw na nagtungo sa nasabing barangay si Dammang upang tiktikan ang grupo ng Sayyaf na may hawak sa bihag na si Nelson Lim, restaurant owner na dinukot noong Abril 29 sa bayan ng Patikul.

Dito naman natiyempuhan ang biktima matapos mamataan ng tatlong kidnaper na mga bantay sa dinukot na Tsinoy kaya kaagad na niratrat kung saan kinuha pa ang service firearm nito.

vuukle comment

ABRIL

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CESAR DAMMANG

DAMMANG

JOLO

NELSON LIM

PATIKUL

SITIO DAN PUTI

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with