Brgy. chairman, 3 pa tiklo sa armas
SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Sari-saring uri ng mga matataas na kalibre ng baril ang nakumpiska sa isang barangay chairman at tatlo pa nitong kasamahan sa bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nahulihan ng mga baril na sina Rofel Castillo, punong barangay ng Barangay Quinawegan, Buguey, Cagayan at mga kasamahan nitong sina Melchor Savalle, Abraham Viernes at Edison Carpio na kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Chief Superintendent Francisco Villaroman, Cagayan Valley Police Director, ang apat ay naaktuhan umanong may dalang baril sa loob ng Night Angel Videoke Bar sa Brgy. Macanaya, Aparri at ang iba pa ay nakumpiska sa dala ng mga itong Starex van dakong ala-1 ng madaling-araw noong Sabado.
Nasamsam mula sa mga suspek ang isang M16 baby armalite rifle, isang shotgun, isang carbine rifle, isang homemade revolver, isang homemade .45 cal. pistol, 2-Colt .45 cal. (M1911) pistols at ibat ibang uri ng bala.
- Latest
- Trending