^

Probinsiya

Dahil sa insomnia, mister nag-suicide

- Ni Tony Sandoval -

LOPEZ, QUEZON, Philippines  —"Patawad, mahal ko, hindi ko na kaya ang 12 taong pagdurusa sa aking sakit na insomnia kaya wawakasan ko na lamang ang buhay ko.” Ito ang mga katagang isinulat sa suicide note ng isang 61-anyos na mister na nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti kamakalawa ng umaga sa Barangay Danlagan ng bayang ito. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Francisco Advincula ng naturang barangay. Ayon sa pagsisiyasat, dakong alas- 6:30 ng umaga nang matagpuan ng kanyang misis ang mister na nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto at wala nang buhay. Nakasaad sa suicide note na hindi na kayang harapin ng biktima ang sakit na insomnia na halos 12 taon nang nagpapahirap sa kanya. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY

BARANGAY DANLAGAN

FRANCISCO ADVINCULA

KINILALA

NAKASAAD

NANG

PATAWAD

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with