^

Probinsiya

2 miyembro ng WADS arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang miyembro ng notoryus na West African Drug Syndicate (WADS) sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bayan ng Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mga suspek na sina Obinna Oliver Okeke, alyas Sam Osei, at Obi Ezema King na kapwa taga-Nigerian na sinasa­bing sangkot sa pagre-recruit ng Pinoy para maging drug courier. 

Nakumpiska sa mga suspek ang 1-kilong shabu na nakalagay sa apat na plastic sachet.

Base sa tala, naunang naaresto ang isang Nigerian na si Samuel Egbo na sangkot din sa pagre-recruit kay Elizabeth Batain na hinatulang mabitay sa China dahil sa kasong drug trafficking.

Maging ang suspek na Koreano na si Yunji Choi, ay nasakote sa buy-bust operation ng PDEA sa Quezon City noong May 3, 2011.

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

ELIZABETH BATAIN

GUTIERREZ JR.

OBI EZEMA KING

OBINNA OLIVER OKEKE

QUEZON CITY

SAM OSEI

SAMUEL EGBO

YUNJI CHOI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with