BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dating bokal na ngayon ay tumatayong aide ng alkalde makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay San Nicolas sa bayan ng Bayombong, Nueva Ecija kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Jommel Cacal, 35, executive assistant ni Mayor Aurelio Salunat sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya at nakatira sa Barangay Busilac sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Birco, lulan ng berdeng kotse (UJB 765) ang biktima nang dikitan at ratratin ng gunmen na sakay naman ng motorsiklo.
Tatlong bala sa kanang bahagi ng pisngi na tumagos sa leeg at dalawang iba pang tama sa likurang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima.
Naisugod pa sa Cacal sa Veterans Regional Hospital subalit idineklara na itong patay.
Ayon kay P/Chief Inspector Peter Cambri, hepe ng Bayombong PNP, si Cacal ay naging board member ng Nueva Vizcaya bilang kinatawan ng Sangguniang Kabataan (SK-Federation president) at nagsilbi rin na aide ni dating human rights lawyer Ernesto Salunat (kapatid ni Mayor Salunat) na pinagbabaril din noong June 22, 2010 sa harap mismo ng Solano Municipal Trial Court.
“We condemn this senseless killing. Such an incident only puts this peaceful province in a bad light. We ask the police for a speedy resolution of this case,” pahayag ni Vice Gov. Jose Gambito na kapartido ni Mayor Salunat.