P18-M ari-arian naabo

BULACAN — Tinata­yang aabot sa P18 mil­yong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pabrika ng furniture sa Barangay Tuktukan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Umabot pa ng 3rd alarm ang sunog na tumupok sa bodega ng Aram­bi Manufacturing Corp. na pag-aari nina Felicidad Ng at Ramon Lim.

Base sa ulat ni Fire Marshall F/Senior Insp. Carlos Estipular, nagsimula ang sunog dakong alas-9:45 ng gabi kamakalawa kung saan naapula naman kahapon ng alas-9:45 ng umaga.

Matatandaan na nasunog din ang Locsin International Handicrafts Corp. na umabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa RIS Compound, Brgy.Tabang noong Mayo 8.

Show comments