2 Army na kinidnap pinalaya
KIDAPAWAN CITY ,Philippines – Dalawang sundalo ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army na sinasabing kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Army sa loob ng 45-araw ay pinalaya na rin kamakalawa ng hapon sa Sitio Lacuacon Buay-Buay sa Barangay Balete sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Pormal na itinurn-over ng mga rebelde sa ilalim ng Herminio Alfonso Command Front 53 ng NPA ang mga bihag na sina Cpl. Delfin Sarocam at Pfc Jayzon Valenzuela kung saan sinaksihan ni Cotabato Vice Governor Greg Ipong, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan.
Agad na dinala ng grupo sa Bishop’s Palace ng Diocese ng Kidapawan sa Barangay Balindog sa Kidapawan City para pormal namang iturn-over ang mga bihag sa kanilang commander na si Col. Cesar Sidello ng 602nd Infantry Brigade at kay Bishop Romualdo Tolentino dela Cruz.
Nabatid na mananatili muna sa pangangalaga ng AFP ang dalawang pinalayang sundalo.
- Latest
- Trending