4 utas sa traktora

BATAAN, Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa apat-katao makaraang suwagin ng traktora ang tindahan sa tabi ng highway sa Barangay Luacan sa bayan ng Dinalupihan, Bataan noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Provincial PNP Director P/Senior Supt. Arnold Gunnacao ang mga nasawi na sina Jayson Miranda, 22; Marleen Miranda, 50; Estrella Aquino, 60; at si Michael Isip, 31, pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PO2 Joel Dula, kasalukuyang bumibili sa tindahan ang mga biktima nang biglang su­yurin ng Mitsubishi Fuso tractor (RDW 316) ni Lauro Verdillo, 32, ng Barangay Palipangpang, San Ildefonso, Bulacan.

Si Verdillo ay boluntaryo namang sumuko sa pulisya  matapos ang insidente.

Lumilitaw na patungong Olongapo City at Zambales ang tractor nang masiraan ng makina at mawalan ng control sa manibela habang bumabagtas sa Olongapo-Gapan Road.

Bunga ng insidente ay tuluy-tuloy na sinuyod ng nasabing tractor ang mga biktima na sa bilis ng pangyayari ay nabigong makaligtas kay kamatayan.

Show comments