^

Probinsiya

Gapo City Hall inakyat-bahay

- Ni Randy Datu -

OLONGAPO CITY, Philippines  — Umaabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nalimas matapos looban ng mga ‘di-kilalang lalaki ang isang departamento ng Olongapo City Hall kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Cesar Cabling, kumander ng Police Community Pricinct 1, inakyat-bahay ang Public Utilities Department sa Olongapo City Hall Building sa Rizal Avenue.

Napag-alamang winasak ang pinagkabitan ng aircon unit kung saan hinalughog ang mga tukador kabilang ang mesa ng manager na si Engr. Luisito Lopez. Nadiskubre ang nakawan matapos pumasok sa opisina ang clerk na si Rodolfo Boncacas kung saan nagkalat ang mga dokumento sa loob at wasak ang mga kandado ng pintuan.

Nabatid din na walang nagbabantay sa bisinidad ng PUD annex, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Mayor Bong Gordon na ipaubaya sa pribadong security guard ang pagbabantay kaysa sa mga alagad ng batas.

Base sa tala ng pulisya, nilooban na rin ang nasa­bing departamento noong Marso 2011.

vuukle comment

CESAR CABLING

CHIEF INSP

LUISITO LOPEZ

MAYOR BONG GORDON

OLONGAPO CITY HALL

OLONGAPO CITY HALL BUILDING

POLICE COMMUNITY PRICINCT

PUBLIC UTILITIES DEPARTMENT

RIZAL AVENUE

RODOLFO BONCACAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with