Pangulo ng asosasyon niratrat

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamata­yan ang isang homeowner president matapos itong pagbabarilin na ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng kanyang tahanan sa Green Valley Subd., Barangay San Nicolas sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Benedicto Paña, 69. Mabilis namang tumakas ang suspek na lulan ng pulang kotse na Toyota Corolla (TDP-286). Napag-alamang nagwawalis sa harapan mismo ng kanilang tahanan ang biktima nang biglang sumulpot si kamatayan.

Show comments