3 todas sa septic tank

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos makalanghap ng masangsang na amoy sa loob ng  poso negro sa Barangay Wangal sa bayan ng La Trinidad, Benguet kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay sina Mando Pak-es, 17; Alberto Guintunan, 38; at Bony Ablasa, 40, pawang nakatira sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kibungan, Benguet.

Sa ulat na nakarating kay Cordillera PNP director P/Chief  Supt. Villamor Bumang­lag, nabatid na kasamang nagkukumpuni ng bahay sina Sabado Langpao  at ang karpinterong si Bestre Dalupang, 49, nang utusan ni Alberto si Mando na tanggalin ang bumarang kahoy sa loob ng septic tank.

Narinig naman nina Alberto ang panaghoy ni Mando kaya sinundan nila ito sa loob ng poso negro subalit pare-pareho silang nahirapang huminga.

Napilitan naman ang mga rescuer na wasakin ang sementong nakatakip sa poso negro pero hindi na umabot ng buhay ang tatlo sa Benguet General Hospital.

Show comments