Pugante nasakote sa Batangas

BATANGAS, ,Philippines – Nagwakas ang dalawang buwang pagtatago ng isang pugante mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Oriental Mindoro matapos madak­ma ng mga pulis sa kanyang bahay sa Barangay Tabangao Ambulong, Batangs City, Batangas kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. George Dadulo, hepe ng Batangas City PNP ang puganteng si Romeo Delos Reyes na sinasabing miyembro ng notoryus na grupong Black Shark na sangkot sa paghahasik ng lagim. Bandang alauna ng hapon nang maaresto si Delos Reyes habang nakikipag-inuman pa sa kanyang mga kapitbahay. Si Delos Reyes ay nahaharap sa mga kasong qualified theft, illegal logging at murder sa Batangas City. Nahirapan ang pulisya sa paghahanap kay Delos Reyes dahil sa tumangging makipagtulungan ang kanyang kamag-anak na sinasabing itinago pa ito.

Show comments