Barangay tanod itinumba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang isang 49-anyos na barangay tanod matapos pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng kanyang mag-ina sa loob ng sabungan sa Barangay Guindahawan sa bayan ng Pio V.Corpus, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Edgar Lontado ng Barangay Badiang sa bayan ng Cataingan. Batay sa police report, lumilitaw na isinama ng biktima ang kanyang mag-ina sa sabungan kung saan nakasalubong si kamatayan.

Show comments