^

Probinsiya

Kinidnap na trader pinalaya

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos ang sampung araw na pagkakabihag, pina­ laya na ang dinukot na baba­eng negosyanteng Tsinoy sa  Barangay Taviran, North Kabuntalan, Maguindanao kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Col. Prudencio Asto, hepe ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division ang pinakawalang bihag na si Angelina Soken Chew Mantique, 47, grocery owner.

Bandang alas-4:30 ng ma­daling-araw ng abando­nahin ng grupo ni Mayang­kang Saguile, lider ng Pen­tagon KFR gang si Mantigue sa Brgy. Datu Mad­tumeg.

Pinaniniwalaang na-pre­s­­sure ang mga kidnaper laban sa mga tauhan ng Joint Task Force Kuta­wato ni P/Director Felicisimo Khu at tropa ng Army’s 6th Infantry Division ni Brig. Gen. Rey Ardo.

Si Mantigue ay dinukot sa harapan ng kanyang tindahan sa Barangay Pob­lacion Nuro, Upi, Maguin­danao noong Mayo 14 kung saan sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng rumes­pondeng militar at mga kidnaper na ikinasugat ng isang pulis.

Inaalam ng mga awto­ri­dad kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa nasabing bihag.

ANGELINA SOKEN CHEW MANTIQUE

BARANGAY POB

BARANGAY TAVIRAN

DATU MAD

DIRECTOR FELICISIMO KHU

INFANTRY DIVISION

JOINT TASK FORCE KUTA

NORTH KABUNTALAN

PRUDENCIO ASTO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with