^

Probinsiya

6-anyos kinatay ng tiyuhin

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 6-anyos na ba­bae matapos biyakin ang tiyan ay kinuha pa ang lamanloob nito bago inalay sa ritwal ng kanyang tiyuhin na sinasabing miyembro ng kulto sa Barangay Villahermosa sa bayan ng Tabuelan, Cebu no­ong Linggo ng gabi.

Natag­puan sa loob ng bahay ang duguang kata­wan ni Lara Mae Concoles na sinasabing inampon ni Pablita Matedios.

Nadiskubre rin ang bi­tuka at atay ng bata na ini­lagay sa plato katabi ng tum­pok ng asin na sinasa­bing inihanda ng kulto. 

Pinaghahanap naman ng pulisya ang pangunahing suspek na si Efren Matedios, 29, na sinasabing adik sa bawal na droga.

Lumilitaw na bago maganap ang krimen, nakiusap ang suspek kay Pablita na pansamantalang patulugin ang bata sa kanyang tabi.

Mariin naman tinanggihan ni Pablita ang pakiusap ng suspek kaya nanlisik ang mga mata nito at nag-amok hawak ang matalim na itak.

Kaagad naman tumakbo palabas ng bahay si Pablita para huminggi ng saklolo sa mga kapitbahay kung saan naiwan ang kan­yang anak na natutulog.

Wala naman maglakas ng loob na lumapit at pumasok ng bahay ni Pablita dahil sa takot sa suspek.

Bago, pa dumating ang mga pulis ay nakatakas na ang suspek kung san iniwan ang matalim na bolo at nylon cord na nasa tabi ng bangkay ng bata.

Ayon kay SPO3 Chris­topher Sanchez, isinaila­lim na sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang bang­kay ng bata kung positibo sa pang­hahalay bago paslangin. Dagdag ulat ng Freeman News Service

vuukle comment

AYON

BARANGAY VILLAHERMOSA

CEBU

EFREN MATEDIOS

FREEMAN NEWS SERVICE

LARA MAE CONCOLES

PABLITA

PABLITA MATEDIOS

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with