QUEZON, Philippines — Nauwi sa pananaksak ang pag-aagawan sa pasahero ng dalawang traysikel drayber na ikinamatay ng isa sa kanila sa Cabunag Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Peter Paul Hospital sa San Pablo City dahil sa tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Ramelito Evangelista, 40, may-asawa, ng Barangay Poblacion habang tumakas naman ang suspek na si Salvador Endriga, 38, ng Barangay Malabanban Sur. Ayon kina SPO3 Menardo del Mundo at PO2 Arthur Archivald Real, dakong alas-4 ng hapon ay nakita ang dalawa na nasa mainitang pagtatalo tungkol sa pasahero.