^

Probinsiya

Rice mill owner dedo sa ambush

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Patay ang isang rice mill owner matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding assassin sa naganap na ambush sa kahabaan ng highway ng Barangay Panilao sa bayan ng Pilar, Bataan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Bataan Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Arnold Gunnacao ang napaslang na si Joey Reyes, may-ari ng San Jose Rice Mill na nakabase sa Brgy. Calu­ngusan sa bayan ng Orion.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang sakay ang biktima sa kaniyang kotse na may plakang PIX -357 nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nabatid na patungo sa kaniyang rice milli sa ba­yan ng Orion ang biktima mula sa banko sa Balanga City nang makasalubong si kamatayan.

Bunga ng insidente, nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima kung saan nasagi pa nito ang kasalubong na puting kotse at muntik pang sumalpok sa poste ng kuryente sa tabi ng kalsada.

Ang mga suspek ay mabilis namang nagsitakas na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen upang matukoy ang gunmen.

vuukle comment

ARNOLD GUNNACAO

AYON

BALANGA CITY

BARANGAY PANILAO

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

BRGY

BUNGA

JOEY REYES

SAN JOSE RICE MILL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with